Maling Akala
Natatandaan ko pa,
nang unang kang nakita;
agad pumasok sa 'king isipan,
isang kakaibang nararamdaman.
Masakit man isipin,
na ika'y 'di para sakin;
sapagkat langit ka, ako'y lupa,
ika'y lagi kong tinitingala.
Pag-ibig, ano ka nga ba?
sapagkat lahat ng hamon ay papasukin,
lahat ay kayang hamakin
tibok lamang ng puso'y sundin.
Lahat ay kaya kong gawin,
upang kahit minsa'y mapansin;
nagbabasakali na kahit minsan
kagaya ko'y mahalin rin.
Ako'y nag-aral at nagpupunyagi
na sa "deans lister" ay mapasali
umaasang 'pag pangalan ko'y nabasa
sa aki'y magkakagusto ka.
Nabasa mo nga,aking nakamtan,
ngunit kasama'y iba naman
ang iyong mahal na ka-ibigan
sa huli'y ako parin ang nasaktan.
Akin na lamang napag-desisyunan,
na dito sa puso'y ikaw ay kalimutan
sapagkat ako'y nagkamali sa desisyon
na ikaw ay gawing inspirasyon.
Ngayon ako'y nagsumikap
'di para sa'yo, kundi para sa aking pangarap
Pati sa pamilyang laging nandyan
na walang ibang inisip kundi aking kapakanan.
Ako ma'y nasaktan nang minsan
ngunit pagsisisiy ni wala sa isipan
sapagkat ala-alang iyong iniwan
humubog sa determinasyong ngayo'y hinahawakan.
Natatandaan ko pa,
nang unang kang nakita;
agad pumasok sa 'king isipan,
isang kakaibang nararamdaman.
Masakit man isipin,
na ika'y 'di para sakin;
sapagkat langit ka, ako'y lupa,
ika'y lagi kong tinitingala.
Pag-ibig, ano ka nga ba?
sapagkat lahat ng hamon ay papasukin,
lahat ay kayang hamakin
tibok lamang ng puso'y sundin.
Lahat ay kaya kong gawin,
upang kahit minsa'y mapansin;
nagbabasakali na kahit minsan
kagaya ko'y mahalin rin.
Ako'y nag-aral at nagpupunyagi
na sa "deans lister" ay mapasali
umaasang 'pag pangalan ko'y nabasa
sa aki'y magkakagusto ka.
Nabasa mo nga,aking nakamtan,
ngunit kasama'y iba naman
ang iyong mahal na ka-ibigan
sa huli'y ako parin ang nasaktan.
Akin na lamang napag-desisyunan,
na dito sa puso'y ikaw ay kalimutan
sapagkat ako'y nagkamali sa desisyon
na ikaw ay gawing inspirasyon.
Ngayon ako'y nagsumikap
'di para sa'yo, kundi para sa aking pangarap
Pati sa pamilyang laging nandyan
na walang ibang inisip kundi aking kapakanan.
Ako ma'y nasaktan nang minsan
ngunit pagsisisiy ni wala sa isipan
sapagkat ala-alang iyong iniwan
humubog sa determinasyong ngayo'y hinahawakan.
hope someone could relate on this......
ReplyDelete